Robert Bolick, hindi na maglalaro sa sea games dahil sa injury

By Noel Talacay November 02, 2019 - 06:15 PM

Nanghihinayang si Gilas men’s 3×3 team head coach Ronnie Magsanoc kay Robert Bolick matapos itong magtamo ng injury.

Ayon kay Magsanoc, isa si Bolick sa posibleng maglalaro sa 35th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Pero anya hindi na ito matutuloy dahil sa injury nito.

Sinabi ni Magsanoc na isang malaking kawalan si Bolick sa koponan ng Pilipinas dahil makakatulong umano ito para makasungkit ng gintong medalya ang bansa.

Pagpipilian anya para sa maglaro sa national 3×3 team sina CJ Perez, Terrence Romeo, Mac Belo, Jayson Perkins, Chris Newsome, at Mo Tautuaa.

Sa kalagitnaan ng laban ng PBA Governors Cup, napunit ang anterior cruciate ligament ng Batang Pier player na si Robert Bolick kung saan kalaban nila noon ang koponan ng San Miguel Beer.

TAGS: 35th Southeast Asian Games, anterior cruciate ligament, Robert Bolick, Ronnie Magsanoc, 35th Southeast Asian Games, anterior cruciate ligament, Robert Bolick, Ronnie Magsanoc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.