Memorabilla ni Marilyn Monroe, ipasusubasta ng Jewish Museum sa New York
Planong isubasta ng Jewish Museum sa New York ang menorah candelabra isa nga mga memorabilia ni Marilyn Monroe.
Ayon sa pamunuan ng nasabing museum, nakatakdang ibenta ang menorah ni Monroe sa Nobyembre 7 sa New York, na may guide price na $100,000 hanggang $150,000.
Ang brass-plated menorah ay regalo kay Monroe ng mga magulang ni Miller na sina Augusta at Isidore, ay nasa pag-aari pa rin ni Monroe nang pumanaw ito noong 1962.
Subalit, naibenta naman ito sa isang private collector 20 taon na ang nakalilipas sa isang auction.
Si Marilyn Monroe ay isang sex symbol noong dekada 50 at napangasawa nito ang playwright na si Arthur Miller na isa naman Jewish.
Ito rin ang dahilan kung bakit nagpa-convert sa Judaism si Monroe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.