Mga nitso sa Davao del Sur, nagkapalit-palit ng pwesto

By Marlene Padiernos November 02, 2019 - 10:53 AM

Nananawagan ng tulong aksyon sa lokal na pamahalaan ang mga residente sa Sitio Labidangan, Brgy. Upper Bala, Magsaysay, Davao del Sur nang magkapalit-palit ng pwesto ang mga nitso sa isang sementeryo sa kanilang lugar.

Ito ay matapos na yanigin ng tatlong magkakasunod na malalakas na lindol ang nasabing lalawigan.

Halos hindi na magkandarapa ang mga kaanak ng mga namayapang labi sa kakahanap ng mga puntod ng kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay.

Ito ay dahil sa nag iba ang pwesto ng mga puntod at nitso habang ang iba naman ay nausog sa may kalayuang bahagi ng sementeryo dahil sa lakas ng tumamang pagyanig ng lupa.

Ilan pa sa mga ito ay nasira habang ang ilan naman ay nagkaroon ng mga crack.

TAGS: Davao del Sur, nagkapalit-palit ng pwesto, nitso at puntod, Davao del Sur, nagkapalit-palit ng pwesto, nitso at puntod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.