PSC maglulunsad ng SEA Games theme song sa PEP rally

By Marlene Padiernos November 02, 2019 - 10:24 AM

Nakatakdang ilunsad ng Philippine Sports Commission ang SEA Games theme song na pinamagatang “Pilipinas”

Ito ay isasagawang Team Pilipinas PEP rally na gaganapin sa November 13 sa Rizal Memorial Baseball Field sa Malate, Maynila.

Ang naturang awitin ay kinatha ng isang beteranong sportswriter at Manila Standard sports editor na si Riera Mallari na binuo at kinanta naman ng isang local band na Johnny Cross.

Ang awiting “Pilipinas” ay handog para sa ating mga atletang pinoy na lalahok sa isasagawang 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Layunin nito na magkapagbigay inspirasyon at pagmamahal sa bansa sa bawat atleta.

Nakatakda din itong patugtugin sa bawat laban ng mga atleta at bilang anthem sa tuwing magsasagawa ng delegasyon sa iba’t ibang mga paligsahan sa loob at labas ng bansa.

TAGS: 30th SEA Games, Johnny Cross, philippine sports commission, Riera Mallari, TEam Pilipinas PEP rally, 30th SEA Games, Johnny Cross, philippine sports commission, Riera Mallari, TEam Pilipinas PEP rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.