2 taong gulang na batang lalaki, patay matapos na makalunok ng buong lollipop candy

By Marlene Padiernos November 02, 2019 - 09:06 AM

Dead on arrival ang isang 2 yrs old na batang lalaki matapos na makalunok ito ng buong lollipop candy Huwebes ng gabi, Oct. 31.

Sa inilabas na ulat ng Pasay City Police,
bandang alas-7 ng gabi nang mangyari ang insidente sa tapat ng bahay ng isang driver na kinilala sa alyas na Jun, 28 taong gulang.

Ayon sa pahayag ni Jun, nagulat na lamang siya nang marinig niyang umiiyak ang ina ng biktima habang inaakusahan siya na may kinalaman siya sa pagkasawi ng biktima.

Bago ang pangyayaring ito ay sinabi ng suspek na naglalaro noon sa tapat ng kaniyang bahay ang bata nang lumapit ito sa kanya para magpatulong na buksan ang balat ng lollipop nito na siya namang ginawa ng suspek atsaka ito pumasok sa kanyang bahay para matulog.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumabas na ginahasa ng suspek ang bata na naging sanhi ng pagkamatay nito kaya agad nila itong inaresto.

Ngunit isang buong lollipop candy ang nakitang nakabara sa lalamunan ng bata ang nadiskubre nang isailalim na sa awtopsiya ang mga labi ng biktima na hinihinalang dahilan ng pagkasawi nito.

Agad namang pinakawalan ng pulisya si Jun nang malaman na wala itong kinalaman sa nangyaring insidente pero patuloy pa ring ‘under investigation’ ng mga pulis kung sakaling magkaroon pa ng mga development ang kaso.

TAGS: dead on arrival, nakalunok ng buong lollipop candy, Pasay City, dead on arrival, nakalunok ng buong lollipop candy, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.