Tatlong magkakasunod na aftershock, yumanig sa lalawigan ng Cotabato
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Tulunan, Cotabato alas-6:40 Sabado ng umaga, Nov. 2.
Sa inilabas na datos ng Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay may layong 6 km Kanlurang bahagi ng nasabing bayan na may lalim na 32 km.
Nakapagtala naman ng Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman ang naramdaman sa Kiamba, Sarangani.
Bandang 6:54 Sabado ng umaga nang tumama rin ang magnitude 3.5 na lindol sa kaparehong lugar na may layong 17km Silangang bahagi ng bayan ng Tulunan at may lalim na 16km.
Samantala, magnitude 2.8 na lindol naman ang tumama sa Makilala, Cotabato na may layong 28km Hilagang bahagi ng nasabing bayan at may lalim na 23km.
Kapwa mga tectonic naman ang pinagmulan ng mga ito.
Wala namang naiulat na nasaktan at napinsala mga ari-arian ang nasabing mga pagyanig.
Ang mga nasabing aftershocks ay bunsod ng magnitude 6.5 na lindol noong Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.