Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang unang LPA ay huling namataan sa layong 135 kilometro Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Ang ikalawa naman ay huling namataan sa layong 185 km Kanluran ng Dipolog City, Zamboanga Del Norte.
Mababa ang tyansa na maging ganap na bagyo ang dalawang LPA ngunit ang nasa Kanluran ng Dipolog ay patuloy na babantayan dahil posibleng magdala ito ng tuloy-tuloy na mga pag-ulan Visayas at ilang bahagi ng Luzon.
Dahil sa dalawang LPA, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa mga sumusunod na lugar:
– Metro Manila
– Central Luzon
– CALABARZON
– MIMAROPA
– Bicol Region
– Buong Visayas
– Caraga
– Northern Mindanao
– at Zamboanga Peninsula
Northeat monsoon o Amihan naman ang umiiral at magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Sa nalalabing bahagi ng Mindanao, maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan, northern coast ng Cagayan, Ilocos Norte at Ilocos Sur.