5 milyong face masks ipinamamahagi sa New Delhi, India dahil sa ‘toxic’ air quality
Ipinamamahagi ngayon ng gobyerno sa mga paaralan sa New Delhi, India ang aabot sa limang milyong face masks.
Ito ay makaraang bumaba ang kalidad ng hangin at napilitan ang mga opisyal na magdeklara ng public health emergency.
Isinilarawan pa ni Delhi chief minister Arvind Kejriwal ang kanyang lugar bilang ‘gas chamber’.
Kalat ngayon ang videos at pictures ng mga residente na nagpapakitang nababalot sa ‘smog’ ang buong lungsod.
Ang air quality rating ng Delhi ay pumalo sa 487 na ayon sa monitoring group na Air Visual ay nasa ‘hazardous’ point na.
Dahil sa polusyon sa hangin, ipinag-utos ang pagsasara sa mga paaralan sa Delhi hanggang sa susunod na Martes.
Ipinatigil din ang lahat ng konstruksyon na tatagal ng isang linggo at ipinagbawal ang lahat ng fireworks.
Magpapatupad din sa Lunes ng odd-even scheme sa mga sasakyan para mabawasan ang traffic pollution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.