M4.5 na aftershock yumanig sa Cotabato

Niyanig ng magnitude 4.5 na aftershock ang lalawigan ng Cotabato alas-2:38 Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 23 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Tulunan.

May lalim itong anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ang lindol ay aftershock ng magnitude 6.5 na lindol noong Huwebes.

Naitala ang Intensity V sa Kidapawan City.

Nakapagtala ng Instrumental Intensity IV sa Kidapawan pa rin at Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato at Alabel, Sarnagani.

Samantala, bukod sa magnitude 4.5, nakapagtala rin ang Phivolcs ng mga aftershocks na may lakas na magnitude 3.1 hanggang magnitude 3.8 mula alas-12:52 hanggang alas-3:10 ngayong madaling-araw.

 

 

Read more...