Halos 1.6 milyon bumisita sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery

By Rhommel Balasbas November 02, 2019 - 04:39 AM

Rhommel Balasbas, Radyo Inquirer

Numipis ang bilang ng mga dumalaw sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery mula Biyernes ng gabi hanggang ngayong madaling-araw.

Ito ay matapos bumuhos ang may kalakasang pag-ulan sa kalakhang Maynila.

Bago pa man bumuhos ang ulan, higit isang milyon na ang dumalaw sa dalawang sementeryo.

Ayon sa Manila Police District (MPD), mula Huwebes hanggang Biyernes ng gabi ay umabot sa 930,000 ang bilang ng bumisita sa Manila North Cemetery.

Kahit naman ipinagbabawal, ilan sa mga tindero ang nakalusot at nakapagbenta sa loob ng sementeryo.

Apat na tindero ang hinuli makaraang maaktuhang nagbebenta.

Kapansin-pansin namang mas naging malinis ang sementeryo dahil sa no-vendor policy.

Inaasahang sisimulan nang hakutin ang mga basura sa sementeryo ngayong araw.

Nakakumpiska ang pulisya ng halos 6,000 flammable items, higit 1,500 na sigarilyo, 83 bladed items at 11 nakalalasing na inumin.

Hanggang alas-12:00 naman ng hatinggabi kanina umabot sa higit 700,000 ang bumisita sa Manila South Cemetery.

Ayon sa MPD, pinakabumuhos ang tao sa naturang sementeryo bandang alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon matapos umabot sa 473,000 ang nasa loob ng sementeryo.

Kaninang hatinggabi ay nasa 1,100 na lang ang tao sa Manila South Cemetery.

 

TAGS: #Undas2019, 4 na tindero, halos P1.6 milyon, Manila North Cemetery, Manila Police District, Manila south Cemetery, no vendor policy, sementeryo, tindero, #Undas2019, 4 na tindero, halos P1.6 milyon, Manila North Cemetery, Manila Police District, Manila south Cemetery, no vendor policy, sementeryo, tindero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.