Red Cross natulungan ang 6,710 katao ngayong #Undas2019

By Rhommel Balasbas November 02, 2019 - 03:59 AM

PRC photo

Umabot sa higit 6,700 katao ang bilang ng natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa kaugnay ng kanilang #Undas2019 operations.

Sa pinakahuling tala ng PRC alas-12:00 ng hatinggabi ng Sabado (Nov.2) kabuuang 6,710 pasyente ang kanilang naasistehan.

Ayon sa PRC, dahil sa kapal ng tao at layo ng lakaran sa binisitang mga sementeryo, marami ang nagreklamo ng pagkahilo kaya’t kinailangang i-monitor ang kanilang blood pressure.

Marami rin ang binigyan ng first aid matapos magtamo ng sugat, sprain at pagdugo ng ilong.

Patuloy na magbibigay-serbisyo ang Red Cross dahil inaasahang libu-libo pa rin ang tutungo sa mga sementeryo ngayong araw, All Souls’ Day.

TAGS: #Undas2019, 6, 710 pasyente, Blood Pressure, natulungan, Philippine red Cross, sementeryo, sprain, sugat, #Undas2019, 6, 710 pasyente, Blood Pressure, natulungan, Philippine red Cross, sementeryo, sprain, sugat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.