Cotabato isinailalim sa state of calamity dahil sa lindol
Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Cotabato na isa sa mga lubhang napinsala ng dalawang lindol ngayong linggo.
Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, ito na ang ikatlong deklarasyon ng state of calamity sa kanyang lalawigan.
Ang unang dalawang deklarasyon ng state of calamity ay dahil sa pinsala ng El Niño at outbreak ng dengue.
Dahil dito, maari nang magamit ng lalawigan ang emergency funds para ipantulong sa mga residenteng apektado at pagsasaayos sa mga napinsalang imprastraktura.
Kailangang pa rin namang sumunod ng provincial government sa procurement process ng Commission on Audit (COA).
Labing-isa sa mga nasawi sa mga lindol sa Mindanao ngayong linggo ay mula sa Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.