LOOK: Angel Locsin bumili ng relief goods para sa mga biktima ng lindol

By Len Montaño November 02, 2019 - 02:10 AM

Marvin Olivarez photo

Nakita ng publiko ang pagbili ng aktres na si Angel Locsin ng sako-sakong bigas at iba’t ibang grocery items bilang donasyon sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sa posts ng ilang netizens ay makikita si Angel habang bumibili ng relief goods sa Davao City.

Nakasuot ang dalaga ng itim na sombrero at black and white na damit habang namimili sa NCC Uyanguren sa lungsod.

Umani ng papuri si Angel dahil sa kabutihan ng loob nito.

Ayon sa netizen na si Marvin Olivarez, panis ang ibang influencers sa ginawa ng “Darna” actress.

Itinuring naman ni Nino Angelo Diao na “beautiful with a good heart” si Angel.

Hindi bago sa aktres ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Matatandaan na hindi na dumalo si Angel sa huling ABS-CBN magic ball dahil sinabi nitong ang perang pambili ng gown ay pwede nitong gamitin sa pagtulong sa kapwa.

TAGS: Angel Locsin, beautiful with a good heart, Darna, donation, lindol, relief goods, Angel Locsin, beautiful with a good heart, Darna, donation, lindol, relief goods

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.