20 bahay natupok sa sunog sa Cebu City

By Rhommel Balasbas November 02, 2019 - 01:47 AM

Gerard Vincent Francisco | CDN

Naabo ang nasa 20 bahay matapos sumiklab ang sunog sa Sitio Lucimba, Brgy. Basak San Nicolas, Cebu City, Biyernes ng gabi.

Bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang apoy at itinaas sa ikalawang alarma alas-8:10.

Alas-8:33 nang idineklarang kontrolado na ang sunog.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para malaman ang sanhi ng sunog ngunit posible umanong naiwang nakasinding kandila ang dahilan nito.

Nasa P160,000 ang inisiyal na pagtaya sa pinsala sa ari-arian ng sunog.

 

TAGS: 20 bahay, Cebu City, kandila, naabo, natupok, pinsala, sunog, 20 bahay, Cebu City, kandila, naabo, natupok, pinsala, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.