Droga, condom, baril at iba pa, nakumpiska sa Oplan Galugad sa Manila at QC City Jail

By Erwin Aguilon, Ruel Perez January 15, 2016 - 07:25 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Nagsagawa ng Oplan Galugad sa Manila City Jail at Quezon City Jail.

Ang sabay na raid na isinagawa sa dalawang bilangguan ay pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), PNP – Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Sa Manila City Jail, unang sinalakay ang Dorm A kung saan may mga nasabat na cash, hinihinalang shabu, mga baril, bala, cellphones, telebisyon, mga tubo at kahoy, at mga gunting.

Maliban sa Dorm A, papasukin din ang iba pang dormitory sa Manila City Jail para mahagilap ang mga bawal na gamit na itinatago ng mga preso.

Samantala, sa Quezon City Jail, may mga nasabat namang condom, mga drug paraphernalia, cellphone chargers at iba pa.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Katuwang mga tauhan ng BJMP, PNP-AIG at PDEA ang mga K9 units para sa paghagilap ng mga kontrabando sa bilangguan.

Isa-isang pinalabas ang mga preso base sa kinaaaniban nilang mga gang.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Unang ginalugad ang selda ng grupong “Commando Gang” na inumpisahan alas 4:30 pa lamang ng umaga kung saan may mga nakuhang ng flat screen TV, cash, drug paraphernalia, charger ng mga gadgets, at mga sinturon o belt.

Sunod na pinalabas ang mga presong miyembro ng “Batang City Jail” na isa-isang kinapkapan, habang ginagalugad naman ang kanilang mag selda.

Over crowded at siksikan ang QC jail na mayroon lamang kapasidad para sa 800 hanggang 1,000 na mga preso pero sa ngayon ay lampas 3,500 ang umano’y nakapiit sa bilangguan.

TAGS: BJMP conducts Oplan Galugad in QC and Manila City Jail, BJMP conducts Oplan Galugad in QC and Manila City Jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.