111 barangay sa Maynila, drug-cleared na

By Angellic Jordan November 01, 2019 - 08:41 PM

Photo grab from Isko Moreno Domagoso’s Facebook page

Idineklara ni Mayor Isko Moreno na mahigit 100 na barangay ang drug-cleared na sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Moreno, mula sa dating mahigit-kumulang 30 barangay, nasa kabuuang 111 barangay na ang drug-free.

Kasunod nito, nagpasalamat ang alkalde sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD) para sa operasyon kontra sa ilegal na droga.

Wala aniyang lugar sa Maynila ang mga nagbebenta ng ilegal na droga kahit pa maliit o malaki, Filipino man o dayuhan.

Samantala, sinabi ni Moreno na handa ang pamahalaang lokal ng Maynila na tulungan ang mga gumagamit ng ilegal na droga para magbago.

Nagpaalala rin ang alkalde sa mga barangay chairman na huwag magpasangkot sa ilegal na transaksyon ng droga.

Nasa kabuuang 896 ang bilang ng mga barangay sa lungsod.

TAGS: barangay, drug-cleared, Isko Moreno, Maynila, barangay, drug-cleared, Isko Moreno, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.