Pangulong Duterte, patungo nang Thailand para sa 35th ASEAN Summit
Lumipad na si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Thailand para sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Umalis ang private plane sakay ang pangulo sa Davao City bandang 6:14 ng hapon.
Inimbita ang pangulo ni Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha na dumalo sa summit mula November 2 hanggang 4.
Inaasahang makakapulong ng pangulo ang mga lider mula sa ASEAN and Dialogue Partners para matiyak ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Asia Pacific.
Ilan sa mga posibleng talakayin ang usapin ukol sa climate change, marine pollution at iba pang environmental issues.
Maaari ring pag-usapan ang mga security concern partikular sa terorismo, drug trafficking at iba pang transnational crimes.
Matatandaaang nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Assistant Scretary Junever Mahilum-West na inaasahang iuungkat ng pangulo ang code of conduct sa South China Sea sa kasagsagan ng summit.
Dadalo rin si Duterte sa one-on-one summits ng ASEAN kasama ang China, India, United States, Japan at United Nations.
Ito na ang ikaapat na pagbisita ni Duterte sa Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.