Ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan November 01, 2019 - 06:36 PM

PAGASA photo

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 5:32 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Zambales at Quezon province.

Apektado ang bahagi ng Moncada, Anao at Mayantoc sa Tarlac; Subic, Olongapo, Castillejos, San Marcelino, Botolan, Candelaria at Masinloc sa Zambales at sa San Francisco, Quezon.

Ayon sa weather bureau, uulanin ang mga nabanggit na lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Pinayuhan naman ang mga residente sa lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Pagasa, quezon province, Tarlac, zambales, Pagasa, quezon province, Tarlac, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.