Biyahe ng mga eroplano sa Clark International Airport naantala dahil sa Lightning Red Alert

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 04:40 PM

Ilang minutong naantala ang biyahe ng mga eroplano sa Clark International Airport.

Sa abiso ng Cebu Pacific, alas 3:50 ng hapon ng Biyernes, Nov. 1 itinaas ang Lightning Red Alert sa Clark International Airport.

Sa nasabing oras, sinuspinde pansamantala ang lahat ng airport ground operations para sa kaligtasan ng ground personnel.

Hindi rin muna nakapagsakay at nakapagbaba ng pasahero at nakapagkarga at baba ng mga bagahe.

Dahil dito, na-delay ang alis ng mga eroplano.

Alas 4:14 ng hapon nang bawin ang inilabas na Lightning Alert sa Clark at maging normal ang operasyon sa paliparan.

TAGS: cebu pacific, Clark International Airport, flights, Lightning Red Alert, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, cebu pacific, Clark International Airport, flights, Lightning Red Alert, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.