Neri Naig ipinagtanggol si Chito Miranda sa akusasyong niloloko siya nito

Itinanggi ni Neri Naig ang mga lumalabas na akusasyon sa umano’y panloloko ng kaniyang asawa na si Chito Miranda.

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Neri kung saan makikita ang ipinadalang mensahe sa kaniya.

Sinabi nito kay Neri na nakita umanong naghahalikan si Chito at aktres na si Bubbles Paraiso.

Nagpayo pa kay Neri ang nagpadala ng mensahe na mainam na tignan ang Instagram account ni Chito para makita ang isang post nito ukol kay Bubbles.

Paliwanag ni Neri, kahit kailan, hindi niya napag-isipan ng malisya sina Bubbles at Angel kay Chito dahil malalapit na magkakaibigan ang tatlo.

Hindi niya rin aniya pinagbawalan si Chito na lumabas kasama sina Bubbles dahil panatag siya na mahal siya talaga ni Chito.

Ayon pa kay Neri, mahal niya rin sina Angel at Bubbles dahil mabait silang tao hindi lamang kay Chito kundi maging sa kanila ng anak na si Miggy.

Nagpahapyaw pa si Neri na mayroon siyang ilalabas na vlog ukol sa panloloko ng mga lalaki.

Mahigit limang taon nang kasal sina Neri at Chito simula noong December 2014.

Read more...