Mga lugar na tinamaan ng lindol sa Cotabato binisita ni Davao City Mayor Sara Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 04:12 PM

Sakay ng kaniyang motorsiklo binisita ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga bayan sa Cotabato na tinamaan ng malakas lindol.

Nakipag-usap si Duterte sa mga biktima ng lindol at sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa nakapulong ni Mayor Sara si M’lang, Cotabato Mayor Russel Abonado at Vice Mayor Lito Piñol.

Iniabot naman ni Mayor Sara ang tulong-pinansyal na mula sa mga residente ng Bohol.

Tiniyak din ni Mayor Sara kina Abonado at Piñol na magpapadala ng food packs at iba pang supplies ang Davao City government sa bayan ng M’lang.

Mula sa M’lang, nagtungo naman si Mayor Sara sa Cotabato provincial capitol.

Nagmotorsiklo din ang alkalde patungo ng Kidapawan City at sa bayan ng Makilala.

TAGS: Cotabato, Davao City Mayor Sara Duterte, Kidapawan City, makilala, Mlang, Cotabato, Davao City Mayor Sara Duterte, Kidapawan City, makilala, Mlang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.