Paggunita ng Undas sa Metro Manila payapa ayon sa NCRPO

Mapayapa ang paggunita ng All Saints’ Day sa mga sementeryo sa Metro Manila. ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa isang press conference, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na walang napaulat na hindi inaasahang insidente sa mga sementeryo.

Hindi rin aniya matindi ang siksikan ng mga taong bumibisita sa mga sementeryo.

Wala rin aniyang napaulat na nasugatan sa mga sementeryo.

Sinabi pa ni Sinas na nasusunod ang lahat ng ipinatupad na plano at polisiya sa iba’t ibang sementeryo.

Biyernes ng umaga, nag-inspeksyon ni Sinas sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Read more...