Pinoy at 7 Chinese arestado sa tangkang pagdukot sa isang dayuhan sa NAIA

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 03:33 PM

Inquirer file photo

Arestado ang isang pinoy at pitong Chinese nationals dahil sa tangkang pagdukot sa isang Chinese na lalaki sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa PNP-Aviation Security Group, kikitain sana ng biktimang si Zhouzeng Lin ang isa sa mga suspek na si Zhao Xn, Biyernes (Nov. 1) alas 6:25 ng umaga para magbayad ng P30,000 na ginamit sa pag-aayos ng kaniyang visa.

Pero nang dumating ang suspek sa NAIA Terminal 3 kung saan sila nagkasundong magkita ay marami na itong kasama at pinilit siyang isakay sa isang sasakyan.

Napansin naman ng security personnel ng NAIA ang komosyon kaya agad nakaresponde.

Naaresto ang walong suspek at dinala sa Police Intelligence and Investigation Division sa Airport Police Department (APD) headquarters.

Kinilala ang iba pang Chinese suspects na sina Huang Yuhang, Cheng Yuqi, Xiong Yao, Pan Chinglin, Liu Huan, at Nie Shaolin, habang dinakip din ang Pinoy na driver ng sasakyan na si Jesus Solinap Jr.

TAGS: chinese national, Chinese Nationals, kidnap try, Ninoy Aquino International Airport, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, chinese national, Chinese Nationals, kidnap try, Ninoy Aquino International Airport, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.