4 na pulis na nagpuslit ng kontrabando sa Bilibid kakasuhan ng administratibo
Sasampahan ng kasong grave misconduct ang apat na pulis na nagtangka umanong pagpuslit ng kontrabando sa New Bilibid Prison. (NBP).
Sa isang press conference, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas na ang maximum penalty sa kaso ay dismissal, medium penalty ay isang ranggo demotion habang ang minimum penalty ay suspensyon mula dalawa hanggang anim na buwan.
Hindi naman binanggit ni Sinas ang pangalan ng mga pulis na sangkot sa kaso.
Dagdag pa ng opisyal, ilalabas pa lamang ng anti-cybercrime unit ang resulta ng isinagawang forensic examination sa mga nakumpiskang cell phone.
Matatandaang napaulat na labing-anim na pulis ang nahulihang ng cell phone sa labas ng NCR Quad Intel Force sa piitan.
Ayon kay Sinas, dalawang pulis ang nag-utos umano sa dalawa sa labing-anim na pulis na magpasok ng sigarilyo at alak sa loob ng Bilibid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.