Sa survey na isinagawa January 8 hanggang 10, nasa 31% ng mga respondents ang nakuha ni Binay na mas mataas ng limang puntos kumpara sa nakuha niyang 26% noong buwan ng Disyembre.
Sumunod kay Binay sina Senator Grace Poe na may 24% na mas mababa ng dalawang puntos kumpara sa 26% noong Dusyembre, ikatlo si LP bet Mar Roxas na nakakuha ng 21% na mas mababa naman ng 1 point kumpara sa 22% na nakuha niya noong Disyembre, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nakakuha naman ng 20% at panglima si Senator Miriam Defensor-Santiago na nakakuha naman ng 3%.
Para sa pre-election survey sa vice-presidential race, nananatiling si Senator Francis “Chiz” Escudero ang nangunguna sa 28% rating na mas mababa ng dalawang puntos kumpara sa 30% na nakuha niya noong nakaraang buwan.
Pumangalawa naman si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nakakuha ng 25% na mataas ng 6 points kumpara sa 19% lamang na nakuha niya noong Disyembre, ikatlo si LP bet Camarines Sur Rep. Maria Leni Robredo na nakakuha ng 17% o dalawang puntos na pagbaba kumpara sa 19% noong nakaraang buwan at si Senator Alan Peter Cayetano ay may 14% na bumaba din ng 3 points naman mula sa 17% na nakuha niya sa December survey.
Sa mga senatoriables naman, narito ang listahan ng mga leading senatorial bets batay sa latest SWS survey.
Sen. Vicente Sotto III – 56%
former senator Panfilo Lacson – 49%
Sen. Ralph Recto – 46%
former food security presidential assistant Francis Pangilinan – 46%
Senate President Franklin Drilon – 43%
Sen. Sergio Osmeña III – 42%
former senator Juan Miguel F. Zubiri – 39%
Sarangani Rep. Manny Pacquiao – 37%
former Justice secretary Leila M. de Lima – 33%
former senator Richard J. Gordon – 31%
Ang survey ay isinagawa nationwide sa 1,200 na respondents.