Climbers hindi muna papayagan sa Mt. Apo matapos ang magkakasunod na lindol sa Mindanao
Isinara muna sa publiko ang Mt. Apo matapos ang sunud-sunod na pagyanig sa Mindanao.
Sa abiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Davao Region, hindi muna papayagan ang mga climber sa Mt Apo.
Pasya umano ito ng mga lokal na pamahalaan ng Santa Cruz, Digos at Bansalan, Davao Del Sur.
Ang bayan ng Santa Cruz, Bansalan, at ang Digos ay pawang gateways patungong Mt. Apo.
Magpapalabas na lamang muli ng abiso ang The DENR kung magpapasya ang mga lokal na pamahalaan na payagan na muli ang pag-akyat sa Mt. Apo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.