CBCP may paalala sa publiko sa paggunita ng Undas

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Filipino na mas pagtuunan ng pansin ang tunay na dahilan ng paggunita ng Undas.

Sa halip na isipin ang gagawing gimmick, sinabi ni Rev. Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, na dapat alalahanin ang pagiging sagrado ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Hindi aniya bahagi ang Halloween ng tradisyon sa Katoliko.

Dagdag pa ni Secillano, dapat mas pagtuunan ng pansin ang pagiging banal ng nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng pag-aalalay ng panalangin, pagpunta sa simbahan at pagbisita sa mga sementeryo.

Inaasahang milyun-milyong Filipino ang bibisita sa mga sementeryo para alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Read more...