Malakas na aftershock tumama sa Tulunan, Cotabato
(UPDATE) Niyanig muli ng may kalakasang afterschock ang Cotabato.
Naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.0 na lindol sa 19 kilometers northeast ng Makilala, Cotabato alas 2:07 ng hapon ng Biyernes, Nov. 1.
May lalim na 2 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V sa Magsaysay, Davao Del Sur
Intensity IV sa Pikid Cotabato at Bansalan, Davao Del Sur
Instrumental Intensities:
Intensity III sa Malungon, Sarangani at sa Koronadal City
Intensity II sa Tupi, South Cotabato
Intensity I sa Alabel, Sarangani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.