Mahigit 3,000 imprastraktura napinsala ng lindol sa Mindanao
Aabot sa 3,220 na mga imprastraktura ang napinsala ng magkakasunod na malakas na pagyanig sa Mindanao.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga napinsalang imprastraktura ay mula sa Regions 9, 10, 11, 12 at BARMM.
Kabilang dito ang 1,359 na totally damaged at 1,258 na partially damaged na mga bahay.
Dalawang totally damaged at 511 partially damaged na mga paaralan.
20 partially damaged na health facilities at iba pang public structures, simbahan, commercial at private establishments at mga kalsada at tulay.
Tiniyak naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na lahat ng pangunahing lansangan at tulay sa mga lugar na tinamaan ng lindol ay ligtas daanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.