Laban ni Jerwin Ancajas sa Mexican na si Jonathan Javier Rodriguez kinansela

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 01:01 PM

Nakansela ang nakatakda sanang pagdepensa ni Jerwin Ancajas sa kaniyang titulo laban sa Mexican boxer na si Jonathan Javier Rodriguez.

Ito ay makaraang mabigo si Rodriguez na makuha ang kaniyang visa patungong Estados Unidos para sa laban.

Ayon kay Sean Gibbons, mula sa co-promoter na MP Promotions, hindi naman pagkakamali ni Rodriguez ang nangyari.

Nagktaon na nangyari ang aberya, dalawang araw bago ang wold championship fight na gaganapin dapat sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Ang IBF junior bantamweight title fight ay magaganap sana sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga sa Pilipinas.

Si Ancajas ay nasa Amerika na isang linggo pa lamang bago ang laban.

TAGS: IBF junior bantamweight title fight, Jerwin Ancajas, Jonathan Javier Rodriguez, MP Promotions, Sean Gibbons, IBF junior bantamweight title fight, Jerwin Ancajas, Jonathan Javier Rodriguez, MP Promotions, Sean Gibbons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.