Halos 5,000 katao dumagsa sa mga sementeryo sa Mandaluyong

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 12:05 PM

Halos 5,000 katao naman ang naitala na bumisita sa iba’t ibang sementeryo sa Mandaluyong City.

Sa update mula sa City Disaster risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Mandaluyong, alas 11:30 ng umaga ng Biyernes, Nov. 1 ay umabot sa 3,500 ang bumisita sa Garden of Life Cemetery; 1,000 naman ang naitala sa San Felipe Cemetery; 250 sa Paradise Cemetery; at 20 sa Old Muncipal Cemetery.

Nakapagtala namang ang CDRRMO ng apat na medical incidents simula umaga ng Biyenes.

Isang batay ayon sa CDRRMO ang kinailangang dalhin sa ospital, pero hindi nagbigay ng detalye ang mga otoridad kung ano ang nangyari sa bata.

TAGS: All Saint's Day, Mandaluyong City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas, All Saint's Day, Mandaluyong City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.