Ruffa Gutierrez may mensahe sa magkakapatid na Barretto
“Sana magbati-bati na sila”
Iyan ang tugon ng aktres na si Ruffa Gutierrez sa tanong kung ano pa ang mensahe nito kay Gretchen Barretto.
Sabi ng Miss World Beauty Queen, hindi partikular kay Gretchen ang gusto n’yang iparating na mensahe kundi sa Barretto sisters.
Aniya, dati naman ay magkakampi ang mga magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine.
Giit ni Ruffa, di siya bayad para patulan ang “sawsaw pa more” na birada sa kanya ni Greta kaya deadma lang sa kanya iyon.
Mas mahalaga aniya sa kanya ang pagpapa-iral ng “happiness “ kaysa sa “negativities”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.