2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga arestado sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 11:46 AM

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto ng mga pulis sa magkahiwalay na buy bust operation sa bayan ng Sariaya at Tiaong sa Quezon.

Nakuhanan ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang suspek na si Benedict Robles, 32 anyos sa Barangay Lalig sa Tiaong.

Tinatayang aabot sa mahigit P2,000 ang nakumpiskang ilegal na droga kay Robles.

Sa Sariaya naman, nadakip sa Barangay Lutucan Malabag ang suspek na si Jeric Gutierrez, 38.

Nakumpiska naman sa kaniya ang dalawan sachet ng shabu na tinatayang P1,815 ang halaga.

TAGS: buy bust, PH news, Philippine breaking news, Quezon, Radyo Inquirer, Sariaya, Tagalog breaking news, tagalog news website, tiaong, War on drugs, buy bust, PH news, Philippine breaking news, Quezon, Radyo Inquirer, Sariaya, Tagalog breaking news, tagalog news website, tiaong, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.