50 arestado sa pagtatrabaho sa international cybersex syndicate sa Makati
Arestado ang 50 katao sa Makati City na pawang nagtatrabaho para sa isang international cybersex syndicate.
Ginawa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Cyber Crime Division, ang pagsalakay sa isang gusali sa Makati kung saan ginagawa ang operasyon ng grupo.
Sa naturang pagsalakay, nahuli sa akto ang 50 katao na na nagtatrabaho bilang technical support team.
Ayon kay Francis Señora, special agent ng NBI Cybercrime Division, nadatnan din nila ang mga software na ginagamit ng grupo.
Nakabukas pa ang mga link sa computer na may live sex cameras.
Kinumpiska naman ng NBI ang mga computer at iba pang gamit na magsisilbing ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act laban sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.