BREAKING: Magnitude 5.5 na lindol tumama sa Sarangani Davao Occidental
By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 10:58 AM
Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Sarangani Davao, Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig alas 10:33 ng umaga ng Biyernes, November 1.
Ang epicenter ng lindol ay sa layong 334 kilometers south east ng Sarangani.
33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Inaalam pa ng Phivolcs ang mga impormasyon kung may naitalang intensities at saang mga lugar pa naramdaman ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.