Crowd estimate sa Manila North Cemetery umabot na sa mahigit 130,000

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 10:23 AM

Umabot na sa mahigit 130,000 ang crowd estimate ng Manila Police District (MPD) sa loob ng Manila North Cemetery.

Alas 10:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 1 sinabi ng MPD na nasa 134,000 na ang naitalang nasa loob ng sementeryo.

Tuluy-tuloy naman ang serbisyo lalo na sa mga PWD at nakatatanda na pinagkakalooban ng libreng sakay papasok sa libingan.

Ang iba ay pinasasakay sa e-trike habang ang iba ay isinasakay sa wheelchairs ng Manila Health Department.

Sa pagtayang MPD, aabot sa 1.8 million na katao ang dadagsa sa Manila Cemetery sa paggunita ng Undas 2019.

Mas mataas kumpara sa 1.6 million na nagtungo sa sementeryo noong nakaraang taon.

TAGS: crowd estimate, Manila North Cemetery, manila police, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, crowd estimate, Manila North Cemetery, manila police, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.