LOOK: Publiko dagsa na rin sa Manila South Cemetery

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 10:09 AM

Mahigit 20,000 rin ang naitalang bumisita sa Manila South Cemetery, umaga ngayong Biyernes, November 1.

Sa datos ng Manila South Cemetery, alas 9:00 ng umaga ay umabot 22,500 ang crowd estimate sa loob ng sementeryo.

Mas marami na ito kumpara 18,000 katao na naitalang bumisita sa sementeryo kahapon, October 31.

Maayos naman ang ipinatutupad na proseso at seguridad sa sementeryo.

Ang mga batang pumapasok ay nilalagyan ng nametags para sakaling sila ay mawalay ay madali silang maipanawagan.

Kabilang naman sa mga nakumpiskang bawal na gamit ay mga pabango, rubbing alcohol, sigarilyo at matatalas na bagay.

Binuksan na rin ang pansamantalang entrance sa Kalayaan Avenue at Metroplitan Avenue.

Naglagay ng metal na hagdanan para makaakyat ang mga tao sa pader papasok ng sementeryo upang hindi dumamami at humaba ang pila sa main entrance ng libingan.

TAGS: crowd, Manila south Cemetery, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas, crowd, Manila south Cemetery, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.