Libingan ng mga yumao sa Davao del Sur napinsala din ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 09:58 AM

Maging ang mga libingan ng mga yumao sa Mindanao ay napinsala ng lindol.

Sa Magsaysay, Davao del Sur, ilang puntod ang nasira sa Sitio Labidangan sa Upper Bala.

Dahil bulubundukin ang nasabing lugar, naging tradisyon na ng mga residente doon na sa kanilang mga bakuran na lamang ilibing ang mga yumao nilang mahal sa buhay.

Matapos tumama ang malalakas na pagyanig nitong nagdaang mga araw, hindi bababa sa walong puntod sa Sition Labidangan ang nasira.

Sa halip naman na gunitain ang mga yumao nilang mahal sa buhay ngayong November 1, ang mga residente ay wala sa kani-kanilang tahanan at kinailangang lumikas.

Ito ay dahil hindi na ligtas pang manatili sa kanilang mga bahay bunsod ng magkakasunod na afterhocks na nararanasan.

TAGS: Davao del Sur, magsaysay, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas, Davao del Sur, magsaysay, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.