Operasyon ng mga pantalan sa Mindanao normal matapos ang magkakasunod na pagyanig
Normal ang operasyon ng mga pantalan sa Mindanao na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Ports Authority (PPA) matapos maitala ang malalakas na pagyanig nitong nagdaang mga araw.
Ayon sa PPA, walang pantalan sa mga tinamaan ng lindol na naapektuhan o nagkaroon ng pinsala.
Kasabay nito iniutos ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago sa pahat ng Port Management Offices sa bansa na iprayoridad ang ang mga barko at cargoes na may ihahatid na tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.
Sinabi ni Santiago na ito ang pamamaraan ng PPA para makatulong sa mga naapektuhan ng lindol.
Maliban dito, naghanda rin ang PPA ng mga bottled water, mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan para maihatid sa mga nasa evacuation area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.