WATCH: Unang mga oras ng pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo naging payapa ayon sa PNP

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 09:40 AM

Normal at mapayapa ang naging sitwasyon sa bansa sa paggunita ng Undas.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac sa unang mga oras ng pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo ay naging payapa ang sitwasyon.

Sinabi ni Banac na wala ding natanggap na report hinggil sa anumang untoward incidents sa paggunita ng Undas.

Paalala naman ni Banac sa mga magtutungo pa sa sementeryo ngayong araw hanggang bukas na sumunod sa mga panuntunan na pinaiiral.

Ani Banac, mas mainam na iwasan na ang pagdadala ng mga ipinagbabawal ng bagay upang hindi na magdulot pa ng abala.

Tiniyak din ni Banac na may sapat na bilang ng mga pulis na magbabantay sa komunidad lalo at marami sa ngayon ang iniwan ang kanilang mga tahanan para magbakasyon.

TAGS: normal situation, PH news, Philippine breaking news, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019, normal situation, PH news, Philippine breaking news, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.