WATCH: Mahigit 300 aftershocks naitala ng Phivolcs matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa Cotabato

Mula ng tumama ang magnitude 6.5 na pagyanig sa Tulunan, Cotabato Huwebes (Oct. 31) ng mahigit 300 aftershocks na ang naitala ng Phivolcs hanggang hatinggabi.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Erlinton Olavere, Science Research Specialist ng Phivolcs, aslas 12:00 ng hatinggabi ng Biyernes (Nov. 1) umabot na sa 319 ang kanilang naitalang aftershocks.

Sa nasabing bilang ay 20 pagyanig ang naramdaman o may naitalang mga intensity.

Sa sunud-sunod na aktibidad sa Mindanao, sinabi ni Olavere na hindi pa nila natutukoy kung anong gumagalaw na fault.

Mayroon kasi aniyang magkakatabing fault sa lugar at apat dito ay magkakalapit.

Ayon sa Phivolcs maaring isa sa Cotabato fault system ang gumalaw at maari ding magkakaibang fault ang gumalaw na naging dahilan ng malalakas na pagyanig.

Kaugnay nito, sinabi ng Phivolcs ng nagpadala na sila ng mga dagdag na instrumento sa Davao Del Sur, Cotabato, Tacurong City at sa Koronadal para mas masuri pa ang detalye ng mga nangyayaring pagyanig.

Read more...