Helicopter ng South Korean fire department nag-crash, 7 ang nawawala
By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 08:03 AM
Isang South Korean fire department ang nag-crash sa karagatang sakop ng Dokdo Islands.
Agad nagkasa ng search and rescue operations ang South Korean coast guard dahi pitong sakay ng chopper ang nawawala.
Nagpadala din ng barko, eroplano at divers ang Defense Ministry office.
Lulan ng helicopter ang pasyente na dadalhin sana sa isang ospital sa South Korea nang ito ay bumagsak.
Ang Dokdo Islands ay kabilan sa pinag-aagawang teritoryo ng South korea ay Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.