Magnitude 4.2 na lindol tumama sa Tulunan, Cotabato

Niyanig muli ng may kalakasang aftershock ang Cotabato.

Alas 7:18 ng umaga ngayong Biyernes (Nov. 1) nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 4.2 na lindol sa Tulunan.

May lalim na 18 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani bunsod ng naturang lindol.

Bago ito naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa Makilala, North Cotabato alas 7:00 ng umaga.

At magnitude 3.5 naman ang naitala sa bayan pa rin ng Makilala alas 7:05 ng umaga.

Read more...