Magnitude 4.2 na lindol tumama sa Tulunan, Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 07:49 AM

Niyanig muli ng may kalakasang aftershock ang Cotabato.

Alas 7:18 ng umaga ngayong Biyernes (Nov. 1) nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 4.2 na lindol sa Tulunan.

May lalim na 18 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani bunsod ng naturang lindol.

Bago ito naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa Makilala, North Cotabato alas 7:00 ng umaga.

At magnitude 3.5 naman ang naitala sa bayan pa rin ng Makilala alas 7:05 ng umaga.

TAGS: aftershocks, makilala, North Cotabato, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tulunan, aftershocks, makilala, North Cotabato, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.