LOOK: Water level ng Angat dam sumampa muli sa 187-meter level

Nadagdagan ang water level ng Angat dam sa nakaliipas na magdamag.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 1 nasa 187.14 meters ang water level ng Angat dam.

Tumaas ito kumpara sa 186.87 meters na antas ng tubig kahapon.

Samantala, nadagdagan din ng bahagya ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.27 meters at ang La Mesa dam na nasa 77.35 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat dams.

Habang bahagya namang nabawasan ang water level sa Caliraya.

Read more...