LOOK: K9 dogs ng PCG tumutulong sa search and rescue operation sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2019 - 06:41 AM

Katuwang ang mga K9 dog sa isinasagawang search and rescue operation sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Sa ibinahaging larawan ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang mga K9 dog sa paghahanap sa gumuhong bahagi ng condominium unit sa Davao City .

Bumagsak ang una at ikalawang palapag na bahagi ng Ecoland 4000 sa lungsod matapos ang 6.5 magnitude na lindol kahapon.

Kaugnay ng naganap na pagyanig, umapela ng tulong sa publiko ang coast guard.

Ayon kay Vice Admiral Joel Garcia, coast guard commandant, lahat ng nais tumulong ay maaring ipadala ang kanilang donasyon sa mga Coast Guard district sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang Coast Guard naman na ang bahalang mag-deliver nito sa mga apektadong lugar sa Mindanao.

TAGS: coast guard, K9 Dogs, Mindanao, PH news, Philippine breaking news, quake, Radyo Inquirer, search and rescue, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, K9 Dogs, Mindanao, PH news, Philippine breaking news, quake, Radyo Inquirer, search and rescue, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.