Mga residente sa Cotabato, magdamag na nakaranas ng aftershocks
Nasa 50 afterschocks na ang naitatala sa Mindanao simula alas 12:01 ng madaling araw ngayong Biyernes, November 1 hanggang alas 5:00 ngayong umaga.
Sa datos ng Phivolcs, karamihan sa mga naitalang aftershocks ay sa Tulunan, Cotabato ang epicenter, habang may naitala din na ang epicenter ay sa Makilala, North Cotabato.
Ala 1:35 ng madaling araw, naitala ang magnitude 4.6 na lindol sa 13 kilometers southwest ng Makilala.
May lalim itong 14 kilometers at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City bunsod ng nasabing lindol.
Alas 3:56 ng umaga ay naitala naman ang magnitude 3.9 sa 25 kilometers northeast ng Makilala.
18 kilometers naman ang lalim ng pagyanig.
Ang iba pang aftershocks na naitala ng Phivolcs ay may lakas na magnitude 3.2 hanggang 3.7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.