Sakay ng military plane, dinala sa Mindanao ang mahigit 9,000 sleeping kits, 11,000 laminated sacks, 200 solar lamps, 4,800 na kitchen kits at 175 na tents.
Matapos tumama ang panibagong 6.5 magnitude na lindol sa Mindanao agad nagpadala ng quick response team ang DSWD para i-assess ang sitwasyon at alamin ang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Ayon sa DSWD Region XII, maliban sa pagkain, higit ding kailangan ng mga apektadong mamamayan ang mga tent na maari nilang pansamantalang masilungan habang hindi pa naibabalik sa normal ang sitwasyon.
READ NEXT
Red Cross nagpadala na ng mga gamit para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao
MOST READ
LATEST STORIES