Red Cross nagpadala na ng mga gamit para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao
Isang truck na puno ng mga kagamitan ang ipinadala ng Philippine Red Cross (PRC) sa Mindanao.
Laman ng truck ang mga perosnal hygiene kits, kumot, tarpaulins na pwedeng gamitin bilang tent, plastic mats, kulambo at iba pang gamit.
Ayon kay Red Cross Chairman Richard Gordon galing ang mga suplay sa kanilang warehouse sa Ozamiz kaya mabilis lang itong makararating sa apektadong mga lugar.
Pinasalamatan naman ni Gordon ang mga nag-volunteer para maisakay sa truck ang mga donasyon.
Samantala, sa Magsaysay, Davao Del Sur at sa Kidapawan City, North Cotabato ay nagpadala na ang Red Cross ng water bladders para matugunan ang kakulangan suplay ng inuming tubig ng mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.