VIRAL: Guro, sugatan sa pagprotekta sa mga estudyante habang lumilindol

By Rhommel Balasbas November 01, 2019 - 05:01 AM

Marky Mark Masamloc Ajero photo

Nagtamo ng head injury ang isang day care teacher sa Makilala, North Cotabato makaraang protektahan ang kanyang mga estudyante mula sa malakas na lindol sa Mindanao.

Sa viral post ngayon ni Marky Mark Masamloc Ajero, sinabi nitong niyakap ng kanyang ina na si Erlinda ang mga estudyante habang lumilindol.

Nagtuturo ang kanyang nanay sa Rodero Day Care Center sa bayan ng Makilala.

Hindi ininda ng 61-anyos na guro ang falling debris sa kanyang likod at pinilit na ihatid palabas ng silid-aralan ang nasa 14 na estudyante.

Nagtamo ng matinding sugat ang ina matapos tangkaing iligtas ang naiwan pang mag-aaral sa kasagsagan ng lindol.

Tinamaan ng hollow blocks sa ulo si Erlinda at hindi na naabutan ang batang naiwan.

Nagising na lamang ang kanyang ina sa evacuation center at nailigtas din naman ang naiwang bata.

Sa ngayon ay nasa stable condition na ang guro at ipinananawagan ni Marky ang agarang paggaling ng kanyang nanay.

Ang mga nais magpaabot ng tulong sa guro ay maaaring kontakin si Marky sa numerong 09092292967.

 

TAGS: guro, hollow block, lindol, makilala, North Cotabato, sugatan, guro, hollow block, lindol, makilala, North Cotabato, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.